Isang Mahiwagang Pasko para sa Pamayanang Theresian - HS Department Christmas Program
- STCQC

- Dec 16, 2025
- 1 min read
Updated: 4 days ago
Avisala! Isinagawa ng High School Department ng Saint Theresa’s College of Quezon City ang pagdiriwang ng Pasko na may temang “Mahiwagang Pasko: Pagningasin ang Liwanag at Pag-asa ni Hesus.” Ang gawain ay nagbuklod sa mga ICM Sisters, administrador, guro, SSP, at maintenance personnel sa isang makabuluhang hapon ng samahan, pasasalamat, at pagdiriwang.
Sinimulan ang programa sa mga pagbati at panimulang panalangin, na sinundan ng mga mensaheng nagpaalala sa tunay na diwa ng Pasko—si Hesus bilang liwanag at pag-asa ng pamayanang Theresian. Ang Encantadia-inspired na tema ay nagbigay-kulay at kasiyahan sa selebrasyon habang pinagtitibay ang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng paaralan.
Pinatingkad ng mga palaro, pagtatanghal, at raffle ang programa, na sinabayan ng sabayang merienda bilang sagisag ng pagkakaisa at pasasalamat. Nagtapos ang programa sa paghahandog ng mga hard hat sa mga personnel bilang bahagi ng paghahanda at proteksyon laban sa lindol, bilang pagpapakita ng malasakit ng paaralan sa kaligtasan ng pamayanan.
Ang pagdiriwang ng Mahiwagang Pasko ay nagsilbing paalala na ang liwanag at pag-asa ni Hesus ay patuloy na gumagabay sa pamayanang Theresian, hindi lamang sa panahon ng Kapaskuhan kundi sa araw-araw na paglilingkod.

.png)

Comments